Basil Valdez
Paraisong Parisukat
[Verse 1]
Narito ka't tumatangis
Sa 'yong munting paraiso
Pagmasdan mo'ng paligid nito
Inaamag, inaagiw

[Verse 2]
Heto ako't sumasamo
Dinggin ang aking pagsuyo
'Sanlibo't isang paraiso
Inaalay ko sa 'yo

[Chorus]
Tayo na giliw sa malawak na kalikasan
At salubungin ang bukang-liwayway
Madarama mo ang pagsabog ng liwanag
Mahahawakan mong bahaghari at ang sinag
Sa tuwina'y mamahalin ka

[Verse 3]
Giliw, dalangin ko'y iwan mo na
Ang 'yong paraisong parisukat
'Sanlibo't isang paraiso
Inaalay ko sa iyo, giliw

[Verse 2]
(Heto ako't sumasamo)
(Dingin ang aking pagsuyo)
('Sanlibo't isang paraiso)
(Inaalay ko sa 'yo)
[Chorus]
Dalangin ko'y iwan mo na
Ang iyong paraisong parisukat
'Sanlibo't isang paraiso'y inaalay ko sa iyo
Habang nabubuhay ako
Paraisong ito'y handog ko sa iyo lamang, giliw