Basil Valdez
Tanging Yaman
[Chorus]
Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

[Verse 1]
Ika'y hanap sa t'wina
Nitong pusong Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa 'yo, sinta

[Chorus]
Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

[Verse 2]
Ika'y hanap sa t'wina
Sa kapwa ko kita laging nadarama
Sa iyong mga likha
Hangad pa ring masdan ang 'yong mukha

[Chorus]
Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan