Basil Valdez
Canseco Medley
[Part I: Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan]
[Verse 1]
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Hanggang matapos ang kailan pa man
Ikaw ang siyang mamahalin at lagi nang sasambahin
Manalig kang 'di ka na luluha, giliw
[Chorus]
At kung sadyang siya lang ang ’yong mahal
Asahan mong ako'y 'di hahadlang
Habang ikaw ay maligaya ako’y maghihintay
Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan
[Part II: Kastilyong Buhangin]
[Chorus]
Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas
[Verse 2]
Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pansamantala, luha ang dala
'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
Gumuhong kastilyong buhangin
[Part III: Ngayon at Kailanman]
[Verse 3]
Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahang may kasama ka, sinta
[Bridge]
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman
[Verse 4]
Dahil kaya sa ’yo
Ng maitadhanang ako’y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran, hirang
[Bridge]
Bakit labis kitang mahal?
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay
[Chorus]
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa ’yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad (Oh, tumitingkad)
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
[Outro]
Labis kitang mahal (Ngayon at kailanman)
Tangi sa Maykapal (Ngayon at kailanman)
Labis kitang mahal (Ngayon at kailanman)
Ngayon (Ngayon at kailanman)
At kailanman (Ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman