Basil Valdez
Tunay Na Ligaya
[Verse 1]
'Di ko pansin ang kislap ng bituin 'pag kapiling ka, sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi, 'di ko na nasisisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko

[Verse 2]
'Di ko pansin ang bango ng hasmin 'pag kapiling ka, sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas, hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw sinta

[Chorus]
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

[Verse 3]
'Di ko pansin ang bawat sandali 'pag kapiling ka, sinta
Bagyo't ulan, kidlat o kulog man, 'di napapansin, sinta
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka

[Chorus]
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
(Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw, sinta) Tanging ikaw
(Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw, sinta) Laging ikaw
(Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw, sinta) Tunay na ligaya
(Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo
[Outro]
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw, sinta