Basil Valdez
Sana Ay Ikaw Na Nga
[Verse 1]
Anong kailangan kong gawin upang malaman mo
Ikaw ay minamahal ko?
Kailangan ko'y katulad mo sa buhay kong ito
Nag-iisa lang sa mundo

[Pre-Chorus]
Dati'y nasaktan na ako, takot nang magtiwala
Ayoko na sanang umibig pa

[Chorus]
Ngunit ika'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga

[Verse 2]
Anong kailangan kong gawin upang matigil na
Ang kabaliwan kong ito?
Sumpa ko sa sarili'y hinding-hinding hindi na
Ngunit heto na naman ako

[Pre-Chorus]
Hindi na papipigil pa at 'di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo

[Chorus]
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga
[Verse 2]
Anong kailangan kong gawin upang matigil na
Ang kabaliwan kong ito?
Sumpa ko sa sarili'y hinding-hinding hindi na
Ngunit heto na naman ako

[Pre-Chorus]
Hindi na papipigil pa at 'di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo

[Chorus]
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga

[Outro]
Sana ay ikaw na nga