Basil Valdez
Gaano Kadalas ang Minsan
[Verse 1]
Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
Sindalas na rin ng dami ng bituin, waring walang hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan

[Verse 2]
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa 'kin sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan
Dahil sa ganoong paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba?

[Chorus]
Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasing dalas

[Verse 3]
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

[Chorus]
Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas

[Outro]
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?