Basil Valdez
Nais Ko
[Verse 1]
Nais kong maihip
Ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin
Kung 'di ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

[Verse 2]
Nais ko ring maagos ng alon
Saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin
Hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy

[Chorus]
Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay
Nais ko, nais ko

[Verse 3]
Nais kong maulit ang buhay
Kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay-bagay
Na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko
[Verse 4]
(Nais kong maihip
Ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin
Kung 'di ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad)

[Chorus]
Nais kong malibot ang mundo sa kan'yang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay
Nais ko, nais ko

[Verse 5]
Nais kong maulit ang buhay
Kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay-bagay
Na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko

[Outro]
Nais kong mabuhay muli
(Nais ko) Nais kong maulit muli
Ulitin muli, ulitin muli, paulit-ulit, ulit muli
(Nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)
Ito ang nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)
Nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)
Ito ang nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)