Basil Valdez
Kung Ako’y Iiwan Mo
[Verse 1]
Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Sana'y dalhin mo rin ang puso ko
Na 'di rin titibok kundi sa'yo
Ang kagandahan ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo

[Verse 2]
Landas ng pag-iisa
Tatahakin ko, sinta
Upang 'di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala
Ngunit saan ako tutungo pa
Na 'di kita makikita?

[Chorus]
Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Matitiis ko ba?
Muli pang mag-isa
Kapag wala ka na
Aking sinta?

[Refrain]
Pa'no ang gabi kung 'di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan?
At may umaga ba? (Ttu-rru-ttu)
Saki'y sisikat pa (Ttu-rru-ttu)
Kapag wala ka na at di magisnan?
Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan?
At may umaga ba
Saki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at 'di magisnan?
[Chorus]
Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Matitiis ko ba?
Muli pang mag-isa
Kapag wala ka na
Aking sinta?

[Refrain]
Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan?
At may umaga ba? (Ttu-rru-ttu)
Saki'y sisikat pa (Ttu-rru-ttu)
Kapag wala ka na at 'di magisnan?
May pag-ibig pa kayang malalabi?
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya (Ttu-rru-ttu)
Kapag ika'y wala? (Ttu-rru-ttu)
Ang buhay ko kaya ay 'di madali? (Ah-ah)
May pag-ibig pa kayang malalabi (Kung ako'y iiwan mo)
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi? (Kung ako'y iiwan mo)
May buhay pa kaya
Kapag ika'y wala?