Basil Valdez
Ngayon At Kailanman
[Verse 1]
Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahang may kasama ka, sinta

[Bridge]
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman

[Verse 2]
Dahil kaya sa 'yo
Ng maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran, hirang

[Bridge]
Bakit labis kitang mahal?
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay
[Chorus]
Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

[Verse 3]
Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay 'di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at 'di na gumalaw
Subalit isang araw pa
Matapos ang mundo'y magunaw na

[Bridge]
Hanggang doon magwawakas
Pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

[Chorus]
Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
(Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad) Oh, tumitingkad
(Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas) Daig ng bukas
[Outro]
Labis kitang mahal (Ngayon at kailanman)
Tangi sa Maykapal (Ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman