Basil Valdez
Guhit ng palad
Bakit nga ba sa pag-ikot
Ng mundo'y ’di mo alam
Kapalaran ng buhay at
Ang kahihinatnan

'Di mo man naisin
Na magdusa ng lubusan
Pasyahan ng tadhana'y
’di mapipigilan

Nasa palad mo ang guhit
Na takda sa sinoman
Kung ligaya o lungkot
Ay hindi mo matatakasan
Kasawian kapag sumapit
Ito'y tama bang tangisan
Masakit may harapin
Ang katotohanan

Guhit ng palad
Ay nasa sa'yo
Ito'y kakambal na
Ng buhay mo
May dusa man
Ay ngitian mo
Ang mundo
Guhit ng palad
Ay sadyang ganyan
'Wag kang susuko
Magpakailanman
Pasasaan ba at
May ligayang kakamtan
Nasa palad mo ang guhit
Na takda sa sinoman
Kung ligaya o lungkot
Ay hindi mo matatakasan
Kasawian kapag sumapit
Ito'y tama bang tangisan
Masakit may harapin
Ang katotohanan

Guhit ng palad
Ay nasa sa'yo
Ito'y kakambal na
Ng buhay mo
May dusa man
Ay ngitian mo
Ang mundo
Guhit ng palad
Ay sadyang ganyan
’Wag kang susuko
Magpakailanman
Pasasaan ba at
May ligayang kakamtan

Hindi lahat ng panahon
Ay pawang luha
Maaaring bukas makalawa
Nama’y tuwa
Guhit ng palad ay
Nakatadhana sa tulad mo
At bawat taong nilikha
Guhit ng palad
Ay nasa sa'yo
Ito’y kakambal na
Ng buhay mo
May dusa man
Ay ngitian mo
Ang mundo
Guhit ng palad
Ay sadyang ganyan
'Wag kang susuko
Magpakailanman
Pasasaan ba at
May ligayang kakamtan

Guhit ng palad
Guhit ng palad