Basil Valdez
Siya Na Ba
Siya na ba ang pag-ibig mo ngayon
Siya na ba’y pang habang panahon
Siya na ba ng tayo’y magkagalit
Siya na ba’ng aking kapalit
Siya ba’y bulag din sa ‘yong mga kataksilan
Kunwa’y bingi rin sa masamang usap-usapan
Naniniwala sa kasinungalingan mo
Labis din kayang mahal ka niya tulad ko
Ngunit kung di siya ang may ganitong katangian
At di niya kaya ang ikaw ay mapagtimpian
Mahal mo nga ba o di mo lang mahindian
Kung nais mong magbalik sinta
Alam mong tatanggapin kita di ba
Ngunit kung siya’y mahal mo ngang tunay
Ikaw sana’y magbagong-buhay
Kung ikaw ay tunay niya ring mahal
Nasa inyo ang aking dasal
Siya ba’y bulag din sa ‘yong mga kataksilan
Kunwa’y bingi rin sa masamang usap-usapan
Naniniwala sa kasinungalingan mo
Labis din kayang mahal ka niya tulad ko
Ngunit kung di siya ang may ganitong katangian
At di niya kaya ang ikaw ay mapagtimpian
Mahal mo nga ba o di mo lang mahindian
O siya na nga ba o di mo lang mahindian
Mahal mo nga ba o di mo lang mahindian
Siyang siya na nga ba o di mo lang mahindian
Mahal mo nga ba…