Jolina Magdangal
Tama Lang
[Verse 1]
'Di mahirap, 'di mayaman
'Di kapangitan, 'di kagandahan
'Di matanda, 'di rin bata
'Di kumplikado, 'di ordinaryo

[Chorus]
Kung papalarin na maging tayo
Tunay bang umibig, handa bang mabigo?
Ang mahalin mong minsan, kahit 'di kailanman
Para sa'kin ay tama lang

[Verse 2]
Ang 'di malakas at ang 'di mahina
Pagtatagpuin ba ng tadhana?
Di ga'nong labis, 'di ga'nong kulang
Ang ikaw at ako'y sadyang tama lang

[Chorus]
Kung papalarin na maging tayo
Tunay bang umibig, handa bang mabigo?
Ang mahalin mong minsan kahit 'di kailanman
Tama lang na tama lang

[Verse 3]
'Di simula at 'di wakas
'Di man ngayon, maaaring bukas
Matutupad ang isang pangarap
Matatanggap ang aking lahat
[Chorus]
Kung papalarin na maging tayo
Tunay bang umibig, handa bang mabigo?
Ang mahalin mong minsan, kahit 'di kailanman
Ang tayo ay tama lang

[Outro]
Tama lang ang tama lang