UDD
Tadhana
[Verse 1]
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito

[Verse 2]
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding-hindi ko ipararanas sa'yo?
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pagsinta

[Chorus]
Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo

[Verse 3]
Saan nga ba patungo? (Saan nga ba patungo?)
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo

[Chorus]
Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'yo
[Outro]
Oh-woah-woah-oh, oh-woah-woah-ohh
Oh-woah-woah-oh, oh-woah-woah-ohh
Oh-woah-woah-oh, oh-woah-woah-ohh
La-la-la-la, la-la-la-la, la-la-la-la