UDD
Unti-Unti
[Verse 1]
Unti-unting naglalapit
Ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya't walang takot

[Chorus]
Ang saya at pagsinta'y
Tila walang kapantay
Inaabangan ang bawat pagtagpo
Walang mintis ang tuwa
Sa'ting dalawa
Hinamak ang lahat

[Verse 2]
Unti-unting nawawala
Ang iyong mga salita
Dahan-dahang naglalaho
Ang lahat ng pangako
Napapansing lumalayo
Ang iyong tingin
'Di alam ang dapat kong gawin
Tuluyan ka na bang mawawala sa'kin?

[Chrous]
Ang tamis at aruga
Na laganap sa simula
Ngayo'y nabaon na
Sa puso't isip na mapait
'Di na maibabalik
Sa unang araw
[Bridge]
Ang pait at ang sakit
Na dati'y wala naman
Ngayon ay hindi na mailagan
Ang tanong na walang sagot
Luha ang nadudulot
Sa ating mga mata

[Outro]
Hahanap-hanapin
Ang mga bulong sa gabi
Ulit-ulitin
Ang bawat kwento at sikreto natin
Hanggang wala na
Ang luha sa puso ko
Hanggang sa muli
Tayo rin ang magtatagpo