Ikaw Pa Rin

Minsan tayo ay nagsumpaan, habang buhay magmamahalan

Minsan tayong dalawa'y nangako, na iisa ang ating puso

Ngunit lahat ng iya'y nagbago, pag-iibigan ay naglaho
Ikaw ay nasaktan, ako ay iniwan, Di' ka man lamang nagpaalam

Ilang taon na rin ang lumioas, Ika'y nakita at di' ko magawa umiwas

At nang titigan ka'y bigla kong naalala, ang tamis ng iyong halik

At yakap mong napaka higpit. Hindi parin nagbabago ang damdamin ko

Sa'yo at sabi mo'y hanggang ngayo'y mahal mo pa ako. Bakit kita

Nasaktan, bakit ako'y iniwan, akala ko'y wala ng ibang maaasahan



(Chorus)

Ikaw parin pala, ang aking mamahalin. Ikaw parin pala ang iibigin

Hindi ko akalahin na pagkatapos ng lahat ikaw parin pala, ang mamahalin......

Mula ngayo'y di' ka pababayahan aking mahal

Hinding-hindi na papayag na mawala kang muli, sa piling ko

Oh mahal ko



(repeat chorus except the last line)

Ikaw parin pala ooh.... ikaw parin pala ang mamahalin

More by Piolo Pascual

All Piolo Pascual songs →