Kristina Dawn
Baguio Interlude
[Intro]
Ooh, ah
Ooh, ah
Hmm-hmm, ooh, ah
Ooh, ah
[Verse 1]
Maaliwalas ang paligid ko
Puso ko'y malaya't 'di nakakulong
Hakbang ng oras sa 'kin medyo mabilis
Lasa ng buhay ko, baby, matamis
[Verse 2]
Kung kukulangin ay pupuwede dagdagan
At kung sosobra, ikaw na bumalanse diyan
Hindi ko rin makuha kung anong naramdaman
Basta alam ko lang gusto na kitang balikan
[Verse 3]
Pagpasok ng Enero ko ay magaan
Buti na lang imbitasyon mo 'di hinindian
Pinakamahabang tatlong oras sa ilalim ng buwan
Unang tagpo ro'n sa reserba niyong tahanan
[Verse 4]
Gustong-gusto kang mahagka't yakapin
Sarili, paano kita aagawin?
Kung kaibigan lang ang turing mo sa akin
Lahat nang 'to ay balewala rin
[Chorus]
Unang tagpo
'Di ko malimutan
Ikaw unang kumibo
'Di ko namalayan
[Verse 1]
Maaliwalas ang paligid ko
Puso ko'y malaya't 'di nakakulong
Hakbang ng oras sa 'kin medyo mabilis
Lasa ng buhay ko, baby, matamis
[Verse 2]
Kung kukulangin ay pupuwede dagdagan
At kung sosobra, ikaw na bumalanse diyan
Hindi ko rin makuha kung anong naramdaman
Basta alam ko lang gusto na kita balikan
[Chorus]
Unang tagpo (Unang tagpo, unang tagpo)
'Di ko malimutan ('Di ko malimutan, 'di ko malimutan)
Ikaw unang kumibo (Ikaw unang kumibo, ikaw unang kumibo)
'Di ko namalayan ('Di ko namalayan, 'di ko namalayan)
[Verse 4]
Gustong-gusto kang mahagka't yakapin
Sarili, paano kita aagawin?
Kung kaibigan lang ang turing mo sa akin
Lahat nang 'to ay balewala rin