Yeng Constantino
Bulag, Pipi At Bingi
[Verse 1]
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa'yo'y pinagkaitan
Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan

[Chorus]
Hindi nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

[Verse 2]
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin, wala sa'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

[Chorus]
Hindi nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

[Verse 3]
Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalaga?
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, oh kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[Chorus]
Hindi nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Hindi nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

[Outro]
Na buhay na banal
Na buhay na banal
Banal