Yeng Constantino
Kahapon Lamang (Live)
[Verse 1]
Kahapon lamang narito ang saya
May dalawang puso, daigdig na kay ganda
Sa kanilang mata, mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't-isa

[Verse 2]
Kahapon lamang ay magkahawak pa
Sa isang landasin na ngayo'y nagsanga
Bagama't may ngiti, balat-kayong saya
Magkabalikan pa kaya sila?

[Bridge]
Sa kanilang mata mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't-isa

[Chorus]
Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na 'di magwawakas
Ngunit ba't naglayo, hindi na nagkasundo
Kahit nagmamahal ang kapwa puso
Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na 'di magwawakas
Ngunit ba't naglayo, hindi na nagkasundo
Kahit nagmamahal ang kapwa puso