True Faith
Araw't Gabi
Nasa’n ka na
Nasa’n ka na oh, giliw ko
Nariyan lang ba
Malapit o malayo?
At kung di ka makita
Ay ramdam ka pa rin ara’t gabi
Lagi kitang kapiling
Larawan nakasabit sa may harapan
Nakaraang hinding-hindi malilimutan
Napaluha ako at napangiti din
Araw’t gabi
Lagi kitang kapiling
Kahit di kita nakausap man lang
Nu’ng gabi na ikaw ay lumisan
Alam na alam ko naman
Andirito ka lang
Himig natin, di nawawala sa ‘king pandinig
Awit na likha ng ating pag-ibig
At buong gabi inaawit ko
Hanggang ako’y maidlip
Araw’t gabi
Lagi kitang kapiling
At sa isang gabi na di namalayan
Nawala ka bigla na walang paalam
Alam ko na nakamit mo rin ang kapayapaan
Himig natin di nawawala sa ‘king pandinig
Awit na likha ng ating pag-ibig
La la la la la la
(Repeat 1st & 2nd stanza)
Araw’t gabi
Lagi kitang kapiling
(Repeat 2x)