Freddie Aguilar
Ipaglalaban Ko
[Verse 1]
Ikaw ang pag-asa
Nasa 'yo ang ligaya
Sa piling mo, sinta
Limot ang pagdurusa

[Verse 2]
Madilim na kahapon
'Di ko na alintana
Dahil sa 'yo, sinta
Buhay ko ay nagbago

[Chorus]
Anuman ang mangyari, 'di kita iiwan
Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko
Anuman ang mangyari, 'di kita iiwan
Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko

[Verse 3]
Aanhin ko ang buhay
Kung hindi ka kapiling
Mabuti pang pumanaw
Kung hindi ka sa akin
[Chorus]
Anuman ang mangyari, 'di kita iiwan
Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko
Anuman ang mangyari, 'di kita iiwan
Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko