Freddie Aguilar
Alaala
[Verse 1]
Akin pang naaalala
Noong si ama'y nabubuhay pa
Ang sabi niya'y "Freddie, mag-aral kang mabuti
Tulungan mo ang 'yong sarili."

[Verse 2]
Ang nais niya'y hindi nasunod
'Pagkat ako'y may dahilan
Ang nais ko'y umawit, tumugtog ng gitara
At ako'y kanyang pinagbigyan

[Verse 3]
At kami'y nagkahiwalay
'Pagkat ako'y nangibang-bayan
At nang kami'y magkita, siya ay bangkay na
Pumanaw na ang aking ama

[Verse 4]
Saan man siya naroroon
Mga payo niya'y tataglayin ko
Ang kanyang alaala ay lalagi sa isip ko
Kahit siya'y wala na

[Verse 1]
Akin pang naaalala
Noong si ama'y nabubuhay pa
Ang sabi niya'y "Freddie, mag-aral kang mabuti
Tulungan mo ang 'yong sarili."
[Outro]
Tulungan mo ang 'yong sarili
Tulungan mo ang 'yong sarili
Tulungan mo ang 'yong sarili