Freddie Aguilar
Sa Kabukiran
[Verse 1]
Sa kabukiran, minsan kami ay namasyal
Kasama ko ang aking barkada
Sa isang kubo, doon kami ay lumugar
At kami ay masaya, masaya

[Chorus]
Pagkagising mo sa umaga'y maririnig mga ibon umaawit
Himig na inaawit nila ay kay tamis at ikaw ay maaakit

[Verse 2]
T'wing umaga ay naglalakad-lakad kami
Minamasdan ganda ng paligid
Pagsapit nitong dilim, tahimik ang paligid
Mga bituin sa 'yo'y nakatitig

[Chorus]
Pagkagising mo sa umaga'y maririnig mga ibon umaawit
Himig na inaawit nila ay kay tamis at ikaw ay maaakit

[Bridge]
Ooh, la-la-la, la-la-la, la-la-la
Sariwa ang hangin do'n sa bukid
Ooh, la-la-la, la-la-la, la-la-la
Mabibighani ka sa paligid
[Chorus]
Pagkagising mo sa umaga'y maririnig mga ibon umaawit
Himig na inaawit nila ay kay tamis at ikaw ay maaakit