Bugoy Drilon
Kung P’wede Lang Sana
[Verse 1]
Palaging nasa isip ka
Hindi nawawala, sa puso ko ay naro'n ka
Dati laging nag-iisa
Nang ikaw ay makita, ligaya ang siyang nadama

[Pre-Chorus]
Laging naghihintay ako'y mapansin mo
Sana'y may pag-asa sa 'yo

[Chorus]
'Di mapigil ang damdamin na ibigin at hanapin
Sa bawat sandali ay naaalala ka
Walang sinuman ang makakaawat pa
Sasabihin, aaminin na wala na para sa 'kin
Ang siyang magbibigay ng ligaya at saya
Kung puwede lang, ako'y ibigin mo na

[Verse 2]
Natatakot ang puso ko
Baka mayro'ng iba minamahal ang tulad mo
At sana ay 'di pa huli
Yaring pag-ibig ko na inaalay sa 'yo

[Pre-Chorus]
Laging naghihintay ako'y mapansin mo
Sana'y may pag-asa sa 'yo
[Chorus]
'Di mapigil ang damdamin na ibigin at hanapin
Sa bawat sandali ay naaalala ka
Walang sinuman ang makakaawat pa
Sasabihin, aaminin na wala na para sa 'kin
Ang siyang magbibigay ng ligaya at saya
Kung puwede lang, ako'y ibigin mo na

[Bridge]
Nang lubusan, nang mapatunayan
Pag-ibig ko'y tapat kailan pa man

[Chorus]
('Di mapigil ang damdamin na ibigin at hanapin) Woah
Sa bawat sandali ay naaalala ka
Walang sinuman ang makakaawat pa
(Sasabihin, aaminin na wala na para sa 'kin) Woah
Ang siyang magbibigay ng ligaya at saya
Kung puwede lang, ako'y ibigin mo na

[Outro]
Oh, oh-oh
Kung puwede lang sana