Yasmien Kurdi
Umaambisyon
[Verse 1]
Ilang ulit ka nang pabalik-balik
Tila ayaw pang tumigil, hirit pa ng hirit
Ilang beses nang sinabing, "Ayoko"
Pero ayaw maniwalang 'di kita tipo
Tumigil ka kaya sa'yong pagtataya
Lagi kang nagpupusoy, ayaw mo pang magsawa
Umaasa pa ring maka-ambos man lang
At pag-ibig ko'y biglang mapa-sa'yo

[Chorus]
O, umaambisyon ka na naman
Na ako ay magbago at biglang mapa-sa'yo
Umaambislyon ka na naman sa'kin
At baka mapanalunan na ngayon ang puso ko

[Verse 2]
Hanggang ngayon ika'y nakikibakas
At baka ngayo'y hindi ka na masyadong malas
Baka mabawi na ang iyong puhunan
At baka ika'y mabasted sa laban

[Chorus]
O, umaambisyon ka na naman
Baka ngayon ay swertihin at ika'y mamahalin
Umaambisyon ka na naman sa'kin
At baka mapanalunan na ngayon ang puso ko
[Bridge]
Sabagay meron din naman kasabihan
Bilib ang karamihan (Bilib ang karamihan)
Nasa diskarte lang daw yun kung tutuusin
Baka makuha sa tiyaga, madali din (Madali din)

[Chorus]
O, umaambisyon ka na naman
Na ako ay magbago at biglang mapa-sa'yo
Umaambislyon ka na naman sa'kin
At baka mapanalunan na ngayon ang puso ko
O, umaambisyon ka na naman
Baka ngayon ay swertihin at ika'y mamahalin
Umaambisyon ka na naman sa'kin
At baka mapanalunan na ngayon ang puso ko