[Verse 1]
Ang panahong sinayang ko
Pasakit na dinanas mo
Noo'y 'di ko nakita
Ang 'yong pagdurusa
[Verse 2]
'Di kaya ng alaalang
Buhayin ang pagnanasa
Ngunit sabihin mo sa akin kung pa'nong
Pupunuan ang pagkukulang ko? Oh
[Chorus]
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Upang mabawi ang mga kasalanan
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Sana'y malaman mo ang ninanais ko
[Verse 3]
Sa pangarap na sinira ko
Kulang na pambayad ang buhay ko
Ang isip ko'y liyo
Sumuko sa tukso at kamunduhan
[Verse 4]
Ako'y naging isang hangal
Isinuko mo ang 'yong dangal
O, ngunit paano pa mababawi pa
Ang nagawa kong mga pagkakasala?
[Chorus]
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Upang mabawi ang mga kasalanan
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Sana'y malaman mo ang ninanais ko, oh
[Instrumental Break]
[Chorus]
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Upang mabawi ang mga kasalanan
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Sana'y malaman mo ang ninanais ko