Jay-R Siaboc
May Tama Ako
[Verse 1]
Nagtanong ka pa, wala namang epekto
Labas-pasok sa tenga mo kahit anong sabihin ko
'Wag na tayong magsayang pa ng laway
Sige na, mali na ako, ayoko lang ng away

[Pre-Chorus]
Pero teka lang, may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna

[Chorus]
Walang saysay ang sinasabi kaya hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa t'wing magpapaliwanag, pakinggan mo naman ito
Akala mo ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako, may tama rin ako

[Verse 2]
Nagtanong ka pa wala namang silbi
Wala ka kasing pakialam sa'king sinasabi
Sa susunod, 'wag ka nang magtatanong
Kung may sagot ako o wala, parehas rin 'yon

[Pre-Chorus]
Pero teka lang, may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna, ahh
[Chorus]
Walang saysay ang sinasabi kaya hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa t'wing magpapaliwanag, pakinggan mo naman ito
Akala mo ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako, may tama rin ako, ohh