Gary Granada
Holdap
[Verse 1]
Minsang ako ay nag-agahan doon sa bandang Nagtahan
Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan
At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan
Sa isang pampasaherong sasakyan
Nang aking nilapitan, tamang-tamang naabutan
Ang isa sa biktimang nagsalaysay
At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig
Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay

[Chorus]
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan

[Verse 2]
Isang kinsenang kayod, ang pinagpawisang sahod
Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw
Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente
At lolong halos 'di na makagalaw
Relo, singsing at hikaw, pati ngiping natutunaw
Sinimot nuong disenteng lalake
Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw
Sila'y inabutan pa ng pamasahe
[Chorus]
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan

[Verse 3]
Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan
Ang holdaper kanya palang kapitbahay
Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy
Sa tuwing may okasyong pambarangay
Siya ay kwelang-kwela sa simbahan at eskwela
Bida kay Bishop, kay Judge at Kapitan
Taun-taon pati ay may medalya at plake
Ang magiting at dakilang kawatan

[Chorus]
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang nasa pamahalaan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000