Erik Santos
Sagot Sa Aking Dasal
[Verse 1]
Hindi ko napansin ang mga oras
Ang layo na pala ng ating nilakbay (Ating nilakbay)
Sunog ang kilay sa pagsisikap
'Di hinayaang maligaw at matangay
Ng ingay, at gulo, mga sabi-sabi
Ng mga taong 'di naniniwala
Kanan, kaliwa, 'di bumaling-baling
Tumutok sa bantay kong tala

[Chorus]
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal
At ng mga luhang sinigaw
At dininig ng Maykapal
Ang bawat lubak at bawat hadlang
Na buong tapang kong nalampasan
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal

[Verse 2]
Salamat Ama, na 'di Mo binitawan
Naglagay ng mga tao na
Magbibigay ng kalakasan
Mga pintong nakasara
Bumukas 'di ko mawari
Imposibleng naganap
Kapangyarihan ng 'yong labi
[Chorus]
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal
At ng mga luhang sinigaw
At dininig ng Maykapal
Ang bawat lubak at bawat hadlang
Na buong tapang kong nalampasan
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal

[Bridge]
At 'di pa tapos
Ang mga kabanata
Patuloy akong
Sa 'yo'y magtitiwala
Sa 'yo'y magtitiwala

[Chorus]
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal
At ng mga luhang sinigaw
At dininig ng Maykapal
Ang bawat lubak at bawat hadlang
Na buong tapang kong nalampasan
Ang buhay ko ay isang sagot
Sagot sa aking dasal
[Outro]
Sagot sa aking dasal
Sagot sa aking dasal