Erik Santos
Kung Akin Ang Mundo
[Verse 1]
Kung ako ang may-ari ng mundo
Ibibigay ang lahat ng gusto mo
Araw-araw pasisikatin ang araw
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo

[Chorus]
Susungkitin mga bituin para lang makahiling
Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo
Ang lahat ng ito, i-aalay ko sa'yo

[Verse 2]
Kung ako ang hari ng puso
Lagi kitang pababantay kay Kupido
Hindi na luluha ang 'yong mga mata
Mananatiling may ngiti sa'yong labi
Para sa'yo, para sa'yo

[Chorus]
Susungkitin mga bituin para lang makahiling
Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo
Ang lahat ng ito, i-aalay ko sa'yo, oh-ohh
[Outro]
Susungkitin mga bituin para lang makahiling
Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo
Ang lahat ng ito, ang lahat ng ito
Ang lahat ng ito'y gagawin para sa'yo, ooh