Erik Santos
Sapagkat Ang Diyos Ay Pag-ibig
[Verse 1]
Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso at kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa

[Verse 2]
Pag-ibig ang siyang buklod natin
'Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magkawalay

[Chorus]
'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, ay 'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

[Verse 3]
Sikapin sa ating pagsuyo
Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop
Sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo, oh-ohh

[Chorus]
'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay 'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal, oh-ohh
[Chorus]
'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay 'wag limutin
Na may Diyos tayong...
Nagmamahal

[Outro]
Diyos ay pag-ibig