Robledo Timido
Kung Ganito

[Intro]
Mm, yeah, yeah

[Chorus]
Kung ganito, lang naman ako sa 'yo
Ako na lang ang lalayo
Nang makaiwas sa gulo

[Verse 1]
Nasanay lang ako siguro na mag-isa
Maalam sa sistemang puro pangangaliwa
Manhid na rin sa mga masakit na salita
Nanggaling sa mga nakasama ko dati pang
Sa pag-ibig ay mapaglaro
Maniwala ka sana sa'kin upang madama mo
'Di nagsisinungaling, mabura man ang pangalan ko
Gawa ng dahilang naakit na sa mata mo
Sadyang napapatanong na lang
Meron bang mangingialam sa tayo lang nakakaalam?
Sawa na sa mga dahilan, palagi ka daw kamo andiyan

[Pre-Chorus]
Kung 'di tayo ganito, eh, 'di bale na lang
Kung 'di tayo ganito, eh, 'di bale na lang
Kung 'di tayo ganito, eh, 'di bale na lang, yeah
[Chorus]
Kung ganito, lang naman ako sa 'yo
Ako na lang ang lalayo
Nang makaiwas sa gulo
Kung ganito, lang naman ako sa 'yo
Ako na lang ang lalayo
Nang makaiwas sa gulo

[Verse 2]
Magulumihanan man ang isip ko kadalasan
Payapa na sa mga karmang nabayaran
Palit sa nakaraan ko na nakasanayan
Tagapaghatid ng damdamin, napabayaan
Ang pagiging salbahe ko sinantabi
Daig pa kung makitaan magkamali
Ng pagpasya mo sa'kin tumapik
Nung magkasala tayo, 'di na madali
Manatili pa, 'wag ka sanang mabahala
Mablanko man ating mga sana
Pupunan mga plano 'ggang gumana

[Pre-Chorus]
Kung 'di tayo ganito, eh, 'di bale na lang
Kung 'di tayo ganito, eh, 'di bale na lang
Kung 'di tayo ganito, eh, 'di bale na lang, yeah
[Chorus]
Kung ganito, lang naman ako sa 'yo
Ako na lang ang lalayo
Nang makaiwas sa gulo
Kung ganito, lang naman ako sa 'yo
Ako na lang ang lalayo
Nang makaiwas sa gulo