Robledo Timido
Makasama Sandali

Gusto pang makasama
Kahit sandali
Mabakuran maikama
Ka nung nasabik
Kako di na para dapat
Sayo bumalik
Sabunin ang isip ko at
Itama ang mali

Madalas bastusan ang iyong hangad
Sa kama magbabad ang sana nating magbalak na magpa init magdamag
Hanggat sa, di na natin matiis ang isa’t isa
Nangungulila ka pag ka may kasali na

Pansalag mong katwiran sakin
Pag papalag minsan pampagana natin
Di lang smoke sa pipa’t sounds kay sza
Mamaya pagka nanghina
Mapasabi kang mabisa
Sa dahilang nakapitan
Wala na kakong balikan

Dama ko sayong nasasabik pa kung
Sakali mapalapit, ika’y mangalabit
Kaganapan natin kagabi
Sa isipan ko pumapanhik
Di na mapakali
Ohh.. ayos lang sakin kahit kitain patago
Gusto pang makasama
Kahit sandali
Mabakuran maikama
Ka nung nasabik
Kako di na para dapat
Sayo bumalik
Sabunin ang isip ko at
Itama ang mali

Nagkamali ka ng binabalewala
Mo palage
Ako 'yong daanang takbuhan
'di yung pang garahe yeah
Hibla nalang ng buhok mo naiiwan
Manatili man lang hanggang magkaaminan
Walang bawian

Nagkasala sa sala, kusina at kama
Gabi 'gang umaga-ah-ah yeah
'lam kong maling makasama ka
Bisyo ang alak, halik mo at drama-ah

Babalik sa'yong tabi
Ng mahagkan muli
Oh kay tamis ng iyong halik
Maghahasik ngayong gabi
Maghahanap muli
Ng kapalit na maglalambing yeah yeah
(ating mga nakaw na sandali)
Sabihin man nilang hndi ka tapat
'lam mong hindi yun sapat
Para sa sabihin na
Gusto pang makasama
Kahit sandali
Mabakuran maikama
Ka nung nasabik
Kako di na para dapat
Sayo bumalik
Sabunin ang isip ko at
Itama ang mali