Delikado

Nahanap ko sa 'yong mga mata

Ang ligayang dati 'di ko makita

Nasilip ng aking pusong ligaw
Nang tinuturo ng tadhana ay ikaw



Ngunit hindi pupuwede

Hindi tayo sinusuwerte

Mas mabuti pang maging sikreto

Ang pag-ibig nating delikado



Delikado, delikado, delikado

Magagalit ang mundo, galit ang mundo, galit ang mundo

Delikado, delikado, delikado

Sa atin na lang 'to, atin na lang 'to, atin na lang 'to



Nais kong malaman ng mundo

Na ikaw ay akin at ako'y sa'yo

At kung nagtugma lang sana'ng panahon

E 'di sana'y masaya tayo ngayon



Ngunit hindi pupuwede

Hindi tayo sinusuwerte

Mas mabuti pang maging sikreto

Ang pag-ibig nating delikado



Delikado, delikado, delikado

Magagalit ang mundo, galit ang mundo, galit ang mundo

Delikado, delikado, delikado

Sa atin na lang 'to, atin na lang 'to, atin na lang 'to



Hoo...hoo...oh...

Delikado, delikado, delikado

Magagalit ang mundo, galit ang mundo, galit ang mundo

Delikado, delikado, delikado

Sa atin na lang 'to, atin na lang 'to, atin na lang 'to

More by Marion Aunor

All Marion Aunor songs →