Panaginip

Andyan ka na naman

Sa aking isipan, kailan ka ba lilisan

Ako kaya ang tumakbo

Papalapit sayo, baka ikaw na at ako



Kung lalapitan mo ‘ko

Oo ang sagot ko

Wala nang intro intro

Sayong sayo ako



Panaginip

Sana sa aking paggising

Ay totohanan na

Panaginip lang pala



Nagsalubong ating mata

Ilang segundo ang lumipas, napansin ko'ng mga rosas

Sa iyong likuran

Mahirap ipaliwanag, ‘di na ako makailag



Papalapit, Ayan ka na

Nagsalita na lang bigla

Ang sabi mo, “mahal kita”

Sabay mulat ng mata



Panaginip

Sana sa aking paggising

Ay totohanan na

Panaginip lang pala





Nakapikit nang nangyari ‘to

Bakit ang daya ng mundo

Saglit sa’kin pinadama

Ang saya ‘pag kasama ka



Panaginip

Sana sa aking paggising

Ay totohanan na

Panaginip lang pala



Panaginip lang pala

Panaginip lang pala