Hangganan

Ilang araw pa lang ang lumipas ng ika’y magpaalam

Tinatanong aking sarili kung bakit nagpalaya



‘Di na natin kailangan pa ng mga paliwanag

Mahirap man tanggapin ngunit ang lahat ay may hangganan



Walang may gusto nito

Dapat lang talaga

Hindi ko pagkakaila

Na ayaw kitang mawala



Gusto kong lumipad

Patungo sa iyo sinta

Nais kong sumigaw

Ng pwede pa, o pupwede pa ba



Nakatanaw sa inabot mo na liham

‘Di mo man lang pinagpaliban ang ‘yong paglisan (patawad)



Walang madaling paraan

Para bigat ay gumaan

Sapat na ang naramdaman

Talagang hanggang dito nalang



Gusto kong lumipad

Patungo sa iyo sinta

Nais kong sumigaw

Ng pwede pa, o pupwede pa ba



Bakit ba hindi nalang gawan ng paraan

‘Wag natin sayangin ang nasimulan

Lumipad, sumigaw

Labanan ang tadhana. Ako at ikaw



Gusto kong lumipad

Patungo sa iyo sinta

Nais kong sumigaw

Ng pwede pa, o pupwede pa ba



Gusto kong maghayag

Ng nadarama, ngunit nasan ka?

‘Di ko na kaya pang

Bumalik muli sa umpisa