Nadine Lustre
Sumayaw Sa Indak
Indak, sumayaw, sumabay ka sa agos
Gumalaw na parang araw ay hindi natatapos
Lumabas sa kadena ng mga pagkakagapos
Abutin ang pangarap, isigaw hanggang sa mamaos

Wooh! Ilabas yung malupit
Na parang hanging dumarating at humahagupit
Igalaw ang katawan na para ka lang nangungulit
Kapag napagod, pahinga tapos sumayaw ka ulit

Sa kaliwa o sa kanan o kahit saan
Sa kanya ang mga harang nagagawan ng paraan
Taga-probinsya man, lahat kayang galawan
Kahit anong entablado kayang-kayang sayawan
Basta walang ayawan, lagi mong tatandaan
Nag-iisa lang ang puso na dapat pakinggan
Umindak, gumalaw, sige lang, sumayaw
Sabay-sabay na sumigaw, Luzon, Visayas, Mindanao

Umindak gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
‘Wag kang bibitaw
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Ikaw ay sumigaw

"Nakakahiya
Bakit siya sumasayaw dyan sa gitna
Tignan n’yo itsura, mukhang loyal sa sayaw
Pero nung gumalaw, wow
Mga paa'y panay kaliwa"
At marami pang ibang ‘di magandang salita
Ang mababasa sa komento
Kesyo,"Ba’t sumayaw sa gitna ng tren ‘to
Walang kwenta", pero ‘di nila alam ang kwento

Pauwi ako n’yan sa ‘min
Maghapong naghanap ng trabaho
Kung saan-saan ako nanggaling
Bumabyahe nang mapalapit sa malayo
Kaso ‘di ko naabot
Sa video na ‘yan ay malapit na ’ko umiyak
Pero biglang may nagpatugtog ng awit
At ang sabi'y sa kabiguan ay huwag masindak
Kaya ayon, ako'y napaindak

Umindak, gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
‘Wag kang bibitaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Ikaw ay sumigaw

Umindak. gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
‘Wag kang bibitaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Ikaw ay sumigaw