[Intro]
Artifice!
[Verse 1: Abra]
Bakit hindi ko maintindihan? Ha!
Sino ba at nasaan? Ha!
Ano siya anito? Superhero?
Taga-rito ba o baka taga-buwan?
Ano ba 'yan? Gawa-gawa lang ba ng tao?
O kabaliktaran tulad ni Adan?
'Yung totoo 'di mo alam, ayaw makialam
O wala ka lang pakialam
Andami ng namamatay, pumapatay
Nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata'y nadadamay sa mga away
Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin
Puro pa gera, dulot ng pera
Nakakalungkot, ba't ka ubod ng dedma?
Punyeta, retreat sa kweba
Oras na ma-Sodom at Gomorrah 'tong buong planeta, teka!
[Chorus: Julie Anne San Jose]
Kay rami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan
[Verse 2: Abra]
Pa'no kung walang kabilang buhay?
Pa'no niyo kami matutubos?
Paano kung wala pa ring patunay?
At 'yun ay kasi wala naman talagang Diyos
Na buwakaw magpasamba kung ayaw mo daw mananalanta
Pero gano'n pa rin naman kahit magdasal ka
Tingnan mo Deuteronomio kung mapagmahal siya
Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya?
Mukhang natakpan ng piring ang sistema
Mga pruweba ng primitibong siyensya
Mahirap tanggapin na para ding penitensya, sintensiya
Sa mga mapang-abuso kontrolado
Utak kapag kahawak ang puso
Punto, sa'n patungo ang relihiyon?
Sa katapusan ba ng mundo?
O sa Panginoon? Bakit gano'n?
[Chorus: Julie Anne San Jose]
Kay rami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan
[Bridge: Julie Anne San Jose]
Minsan 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat
Na siyang kay hirap tanggapin
At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama
Ang tanong, bakit yata parang dedma 'yung iba?
[Verse 3: Abra]
Nasaan? Nasaan ang kaligtasan?
Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan
Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal
Halik ni Kamatayan sa kamay ng kabihasnan
Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan?
Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
May kaluluwa po ba talaga 'yung katawan?
O kathang-isip lang ng mga takot sa kawalan?
Kailangan ko ng bendisyon
Maliwanagan parang Thomas Edison
Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko
'Di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyon
Kasi imposibleng inimbento ka lang
Sino ang arkitekto? Sikreto na lang
Perpekto lahat ng tao pero disenyo ka lang
Ang tanong, bakit gano'n? 'Yan ang palaisipan
[Chorus: Julie Anne San Jose]
Kay rami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan