Julie Anne San Jose
Tayong Dalawa
[Verse 1]
Pa'no ang iyong pangako?
Kung ikaw ay malayo
Sana'y 'di ka magbago
'Eto na naman kailangan mong lumisan
Ang hirap mong bitawan

[Chorus]
Magkahawak ang kamay sa panaginip
Sumisilip ang mga bituin para sa'yo ay aking iipunin
Ang iyong tinig aking susundan
Bigyang ilaw ang walang hanggan
Kahit suntok sa buwan

[Post-Chorus]
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Tayong dal'wa, tayong dal'wa

[Verse 2]
Tingin sa alapaap sa akin
Ay yumakap at ika'y makausap
Ang aking dalangin muli
Ika'y makapiling 'di kita kayang tiisin

[Chorus]
Magkahawak ang kamay sa panaginip sumisilip
Ang mga bituin para sa'yo ay aking iipunin
Ang 'yong tinig aking susundan
Bigyang ilaw ang walang hanggan
Kahit suntok sa buwan
[Post-Chorus]
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Tayong dal'wa, tayong dal'wa

[Bridge]
Pusong ito ay hanap ka parang baliw, parang tanga
Naghihintay lang ba 'ko sa wala?
And'yan pa ba ang 'yong nadarama?
Meron pa ba o meron ka nang iba?

[Outro]
Tayong dal'wa, tayong dal'wa, ooh
Tayong dal'wa, tayong dal'wa, ooh-ooh