Julie Anne San Jose
Isang Gabi
[Verse 1]
Hindi ko pinangarap na umibig ng pag-ibig
Na tila lason ang halik
Hindi ko inasam, itong sakit na parang
Langit lamang ang pakiramdam
[Chorus]
Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap
Sa tuwing pagmulat
Kahit na pangalan ko'y maaari lang bigkasin
Kung 'di iihip ang hangin
[Post-Chorus]
Hayaan mo lamang, umibig ang isang
Pusong humihingi ng isang gabi
[Verse 2]
Paano bang limutin?
Mga pangako na tila lumalago lang sa dilim
Nananahimik lang ang buhay kong biglang
Tumigil ng ikaw ay dumaan
[Chorus]
Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap
Sa tuwing pagmulat
Kahit na pangalan ko'y maaari lang bigkasin
Kung 'di iihip ang hangin
[Post-Chorus]
Hayaan mo lamang ang puso kong hibang
At humihingi ng isang gabi, ah-ahh, oh-ohh
[Chorus]
Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap
Sa tuwing pagmulat
Kahit na pangalan ko'y maaari lang bigkasin
Kung 'di iihip ang hangin, ooh-ooh
Sa tuwing pagmulat
Kahit pa ang mga kamay maaari lang magdampi
Kapag walang nakatingin
[Outro]
Hayaan mo lamang ang puso kong hibang
At humihingi ng isang gabi, ng isang gabi