Ron Henley
Langit
[Verse 1: Ron Henley]
Narinig ko na naman ang pangalan mo
Kapag gan'to kadilim ang araw ko
Ang liwanag mo ang kailangan ko
Para makita ko ang nilalakaran ko
Patungo sa puso mo
Kung saan nais kong maging tambayan mo

[Pre-Chorus: Ron Henley]
Sabi nila, langit ka, lupa lang ako
Kita ko ang sinag ng araw sa mga mata mo
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit, mapalapit sa'yo

[Chorus: Bea Valera]
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nand'yan ka
Isang ngiti mo lang ay langit na

[Verse 2: Ron Henley]
Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng malakas na ulan
Habang ako'y nakahiga, ikaw ang tanawin mula sa may damuhan
Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangitang may papalubog na araw
Ako ay dahan-dahang nahuhulog na parang bulalakaw
[Pre-Chorus: Ron Henley]
Sabi nila langit ka lupa lang ako
Kumbaga hinalo mo 'yung kanal sa pabango
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit, mapalapit sa'yo

[Chorus: Bea Valera]
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nand'yan ka
Isang ngiti mo lang ay langit na
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nand'yan ka
Isang tingin mo lang ay langit na

[Verse 3: Ron Henley]
Ang bingi nakarinig, ang bulag nakakita muli, ang pilay ay nakalakad
Ang pipi nakapagsalita, baluktod naging tuwid
Ang pag-ibig 'pag inisip ito nasa puso
'Pag pinuso nasa isip, masisira lang ang ulo

[Pre-Chorus: Ron Henley]
Sabi nila, langit ka, lupa lang ako
Wala daw akong ka-pag-asa, pag-asa sa'yo
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit, mapalapit sa'yo
[Chorus: Bea Valera]
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nand'yan ka
Isang ngiti mo lang ay langit na
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nand'yan ka
Isang tingin mo lang ay langit na

[Verse 4: Ron Henley]
Naiiwan ng tren, punuan ang jeep
Laging nahuhulog sa sinasakyang trip
Tumirik sa baha, laging pinapahinto
Kaharap ko lagi ay saradong pinto
Basang-basa ng ulan, walang payong
Masungit 'ata ang tadhana sa'kin maghapon
Laging nasa hulihan ng pila
Payuko na sana tapos bigla kang nagpakita

[Bridge: Bea Valera]
Buti na lang nand'yan ka
Buti na lang, buti na lang nandyan ka, sinta
Buti na lang nand'yan ka
Buti na lang, buti na lang nandyan ka, sinta
[Outro: Bea Valera]
Kay sarap tingnan ng langit
Kay sarap tingnan ng langit