Ron Henley
Pisi
[K-Leb]
Madalas mataas ang mga boses pati ihi, pwede pakipihit
Bitawan mo sa gilid, naipon mo na galit
Halika saking braso kung saan madalas ka na kumakapit
Ayokong mapatid ang pisi na nagdudugtong, wag kang sumigaw pwede ka namang bumulong
Lahat ng nasa isip mong tanong, mga hamon lang ng makabagong panahon
Kaya gusto ko ng bumalik, kung saan lahat ng halik ay kapanapanabik
Sa bawat pagpikit ng mga mata ko nakikita ko ang yong hagikgik, tinamaan ng lintik
Ang sarap kaya di ko pwedeng payagang mawala, patawarin mo ko kung madalas na magpabaya
Balde-baldeng luha sa mata, sana alam mo kung gaano ka kahalaga
Kung alam mo lang pag gumagabi, lalo na't wala ka dito sa aking tabi
Di mapakali, hanap ka kasi
Paralisado pagkatao ko pag hindi ka kasama buksan kahit bintana
Sinaraduhan mo na ko ng pintuan subalit ikaw pa rin ang gustong kasama yeah yeah yeah

[Drich]
Halos araw-araw nalang
Nagsasayang ng laway, puro nalang away
Bakit ba hindi mo buksan?
Masyado kang nasanay sa mga bagay-bagay

[Chorus]
Hmmm wala naman sigurong masama...
Kung ang pisi na nagdurugtong, pagdugtungin muli
Aminin ang mga mali, hindi pa din naman huli
Yeah...
Alam mo kung ano ang masama...
Yung kalimutan natin ang isat isa, kahit alam mong gusto pa
Tingnan mo ko saking mata
Sinta...
[Ron Henley]
Ang hirap mo ng abutin, ganap ka ng bituin
Di mo nako pinagbuksan ng pintuan nung gabing binalak kitang katukin
Para lang akong telepono mong paulit-ulit nagriring
Di ko na alam kung anong klaseng pagpapapansin para lang iyong sagutin
Nag-umpisa lang sa palitan ng simpleng Hi-Hello
Ang paligid ay biglang naging kapilyang pinintahan ni Michaelangelo
Sabay biglang tunog ng orchestra, sa isip ko tila may opera
Palakpakan ang mga tenga pagkapasok ng boses nya
Isang tanong, isang sagot, madali lang namang huminde
Di nako magpupumilit pahabain pa yung pisi baka mas lalo lang umikse
Lagi kitang ipagdarasal, sa malayo nalang ako magmamahal
Tinanggap kong hanggang kaibigan nalang kasi mukhang dun tayo mas magtatagal

[Drich]
Halos araw-araw nalang
Nagsasayang ng laway, puro nalang away
Bakit ba hindi mo buksan?
Masyado kang nasanay sa mga bagay-bagay

[Chorus]
Hmmm wala naman sigurong masama...
Kung ang pisi na nagdurugtong, pagdugtungin muli
Aminin ang mga mali, hindi pa din naman huli
Yeah...
Alam mo kung ano ang masama...
Yung kalimutan natin ang isa't-isa, kahit alam mong gusto pa
Tingnan mo ko saking mata
Sinta...
[Chorus]
Hmmm wala naman sigurong masama...
Kung ang pisi na nagdurugtong, pagdugtungin muli
Aminin ang mga mali, hindi pa din naman huli
Yeah..
Alam mo kung ano ang masama...
Yung kalimutan natin ang isa't-isa, kahit alam mong gusto pa
Tingnan mo ko saking mata
Sinta...