Ron Henley
Alaala
[Verse 1: Ron Henley]
Tandang tanda ko pang abot langit ang saya
Kapag kasama ka kaso lang wala ka na
Kung minsan ako'y napapadaan
Sa lugar na kung saan una tayong nagkaunawaan
Naaalala ko pa nu’ng tayo'y high school pa
Sa’n man ako magpunta, laging nandu’n ka
Du’n sa may tabing-ilog, ikaw lang at ako
Namumulot ng bato, palayuan ng bato
Nahuhulog na ako sa mga tingin mo
‘Pag ako'y nagtatampo, agad nilalambing mo
Ano’ng gagawin ko? ‘Di ako mapalagay
Laging ang mga kamay sa bulsa nakalagay
Isang gabi, nagkainuman kasama ang barkada
Basag nu’ng nagtapat ng pag-ibig sa may kalsada
Mahal kita, mahal mo siya, ngunit may mahal na siyang iba
P’wede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila?

[Hook: Aia de Leon]
Pilit kong limutin ka pero parang ‘di ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
Mga gabi na hinati nating dalawang magkasama
Pilit mang ‘di isipin ka, talagang hindi ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
May masasayang sandali tayong dalawang magkasama
[Verse 2: Ron Henley]
Maghapon na nga tayong magkatabi sa klase
Kaso lang madami pa ring lalaking palihim dumiskarte
Pulis, negosyante, alkalde, higante, maging estudyante nagiging galante
Kahit palagi akong talunan, hindi pepwedeng walang rebanse
Sinusundan kita kahit saan, sinisigurong may pusong nakalaan
Sa bawat parisukat ay mukha mo ang laman
Nu’ng umaga, tanghali, gabi, nagawa ko naman silang tambakan
Ngunit pagsapit ng hatinggabi, sila'y nagwagi, isa ang lamang
Lang naman nila sa ‘kin ay madami silang nagamit na hugot
‘Di tulad ko wala, lalo na ‘pag tayo'y nasa ilalim ng kumot
Dati-rati parang mga kalapati sa gabi
Mga tuka'y nagkalapit, mga isip makakati
Kahit na 'di sila boto
Siraan ka man ng mga chismosa't chismoso
Habol ko pa rin ang matamis mong “oo”
Mahal kita, mahal mo siya, ngunit may mahal na siyang iba
P’wede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila?

[Hook: Aia de Leon]
Pilit kong limutin ka pero parang ‘di ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
Mga gabi na hinati nating dalawang magkasama
Pilit mang ‘di isipin ka, talagang hindi ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
May masasayang sandali tayong dalawang magkasama
[Verse 3: Ron Henley]
‘Di ko mapigilang mainggit
Sa tuwing makakakita ng magkasintahang magkayakap nang mahigpit
Kaya naman naghahanap din ng kalambingan
Pero sa ‘king isipan, ikaw ang kahalikan
Hinahanap-hanap ko ang mga yakap mo
Tanging larawan mo lamang ang hawak ko
Sana pangalan ko ang sunod na matawag mo
Handang dumaong sayong tabing-dagat ang sinasakyang barko
Matarik man ang bundok, mabato man ang sapa
Mababaw man ang luha mo, hindi ko hahayaan ‘yang maglawa
Puyat ako ilang gabi na
‘Di ko makayanan kasi nakasanayang katabi ka
Mapanlinlang ang damdamin
Binubulag muna tayo bago makita ang barahang ibinababa natin
Kaya kung sasabihin mong kalimutan na kita
Parang sinabi mo na rin sa ‘king ‘wag na ‘kong huminga kahit...