Ron Henley
Iladnasanwakan
[Verse 1: Ron Henley]
Bakit ba ayaw nila sa'yo? 'Di ko alam
Mas gusto nila si Gumamela o 'di kaya si Santan
Tutol si tatay, si nanay, si ate, si kuya, pati mga kapitbahay
Madaming nagsasabi sa akin sa amin, 'di raw tayo nababagay
Kahit kailan, 'di nila tayo maintindihan
Nagkikita tayo kaso palihim na lang
Sa ilalim ng maliwanag na buwan
Lagi na lang nilang tinitingnan ang kwarto ko
Baka may nakatago pang mga litrato mo
Kasi kung meron pa, lagot
Tadhana'y tuluyan kang ipagdadamot
'Pag nagkataon
Mapapalayo na naman ako sa'yo ng mga buwan, taon
Ayoko na no'n, masaya na 'ko sa kung anong, anuman ang meron tayo ngayon
'Pag wala ng tao diretso sa kwarto, sa banyo, pinto'y isarado
Ibaba ang kurtina ng bintana baka may makakita, makahalata at lalong maghinala, uh

[Chorus: Al James, Both]
Pakiramdaman kung sino'ng mauuna
Ang lapit lang ng langit tila maaabot ko na
Kumurot ng lupa, pagkatapos sa apoy pabagain
Sa tubig padaanin, bumuo ng ulap, palutangin sa hangin
Mahirap na, mahirap na
Pagmamahalang walang halong kemikal
Kailan ba tayo magiging ligal?
[Verse 2: Ron Henley]
Ano nga bang nakita ko sa'yo? Um, 'di ko alam
Ano bang klaseng pabango 'yan?
Bakit parang 'di kita malayuan?
Wala pang ibang nadadampian ang aking daliri, tanging sa'yo lang
Kahit na minsan nababalitaan ka na namang may mga kasamang tatuan
Nag-umpisa ang lahat nung pinakilala ka sa'kin
Unang sipat ko sa'yo, biglang hampas ng hangin
Bigla rin akong ginanahan kumain
Ang dating dalawa naging limang takal ng bigas ang nasaing
At 'pag nababagabag at natataranta
Ikaw lamang ang nalalapitan para lang makalma
Tumatatag ang paniniwalang may kapangyarihang mas nakahihigit
Sa t'wing maglalakbay, mag-iisip
Nakaupo habang mga mata'y nakapikit
Ako may tangkay sa iyong bulaklak
Kahit medyo buto-buto ay wala 'tong palpak
Puti daw ang buhangin sa nasabing lambak
Tumalon tayo ng langit, pahiga ang bagsak
May mga bagay sa mundo na hindi madaling takasan
Sigurado ng walang labasan
'Pag pinagkasundo ng Amang Kalawakan at ng Inang Kalikasan
Hanggang sa may inabot sa'kin ang pilandok
Lumutang sa sabaw sakay ng higanteng sandok
Ang init kumakalmot sa dibdib
Napaupo sa may sahig, lupa'y napakalambot
At tuluyan nakong inantok, uh
[Chorus: Al James, Both]
Pakiramdaman kung sino'ng mauuna
Ang lapit lang ng langit tila maaabot ko na
Kumurot ng lupa, pagkatapos sa apoy pabagain
Sa tubig padaanin, bumuo ng ulap, palutangin sa hangin
Mahirap na, mahirap na
Pagmamahalang walang halong kemikal
Kailan ba tayo magiging ligal?

[Verse 3: Ron Henley]
Ang lakas na ng tama ko sa'yo, kung alam mo lang
Sana kasama kita araw-araw at lalong-lalo na 'pag umuulan
Wala pa ring sinabi kahit paghalu-haluin mo ang iba't ibang klaseng droga do'n
Walang panama kahit ipagsabay ang ecstacy, bato, ekis, damo, acid, coca, at mogadon
Sa gitna ng makakapal na usok, tayo'y maglalaro
Habang pinaplano natin ang titirhang kastilyo
Tinitingnan kung pa'no itatayo
Tuyo na ang dahong dati'y malagkit
Palayo ka ulit at 'yun ang masakit
'Pag tumawag ako
Sana gano'n pa rin ang numero mo at 'di ka nagpalit
Basta 'wag kang maingay
Dadaanan ang eskinita't looban para lang makasilay
Pagmamahalang pabulong, lakad ko'y pasulong
Wala ng panahon pa para umurong
Ika'y itinabi, ang tanging nag-iisang natitira, tinitipid ko pa
Kaso isang gabi, sa isang kisapmata, palihim kang nahithit ng iba
Tangina
[Bridge: Both, Ron Henley]
Maging ligal man o hindi
Palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi
Maging ligal man o hindi
Palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi
Amoy ko na sa tuwing unti-unting naglalaho ang iyong bango
Kung pwede sanang
Habambuhay na lang tayo dito sa bakuran ko
Gusto ko yung mga katulad mo, yung may sari-saring lahi
Kaso nakalimutan ko, pagdating sa'yo, madami pala akong kahati

[Outro: Ron Henley]
Mahirap na, mahirap na, mahirap na (Walang aminan)
Mahirap na, mahirap na
Pagmamahalang walang halong kemikal
Kailan ba tayo magiging ligal?