[Verse 1]
Mga mahiyaing nilalang sa higanteng mga bulak
Nand'yan lang sa paligid, ayaw pang manga-usap
Mga imahe payat ngunit ang laki ng utak
Nag-iwan ng markang palaisipan ng sulat
Ako ay nagmasid mula hilaga hanggang timog
Sa isang iglap sila'y nakatawid
Ang araw at buwan nagkapikunan
Kaya may nagliliparang mga plato't platito sa himpapawid
Sino bang bisita ang 'di magnanais dumalaw?
Sa bahay kung sa'n basang-basa ng pawis ng araw
May mga nakakita't nagkakuliti na sila
Mga mata nila'y dilat ngunit pikit pa 'yung isa
Sa likod ng mga bituin, rinig ko ang bulungan
Mistulang mga bubuyog, tayo ang pulo pukyutan
Madaming takdang pananong ang natutubuan
At pa'no nga kung sila ang may dala ng kasagutan
Mga sinaunang batong magkakapatong
Minsan nang nilamon ng dambuhalang alon
At sinakal ng usok na sadyang nakakalason
Misteryo pa rin kung anong nangyari nung kahapon
[Verse 2]
Sumamba sa mga puno hayop at anito
Nawala ang panghimagas na hinain ng platito
Pambihirang kaalama'y tuluyang nalunok
Biglang usbungan ang mga gusaling hugis tatsulok
Pano kung ang buhay sa mundo ay ang konsepto
At tayong mga naninirahan ang proyekto
Tayo nga ba'y nilagay para pag-aralan?
O para ihanda lang sa hinaharap na laban?
Sa pagitan ng mabuti't kabaligtaran nito
Alam ko na sa iba, isang kahibahangan ito
Maaaring lamang sila sa kagamitan
Gamit ang kanilang natatanging agham
Marahil tingin nila sa atin langgam
Paugain lang ang sahig kaya tayong saktan
Pero wala silang alam sa bagay na meron tayo
Ang pinaka-mahiwaga sa mundo ng mga tao, ang pag-ibig
[Outro]
Ang pag-ibig
Ang pinaka-mahiwaga sa mundo ng mga tao
Ang pag-ibig
Ang pinaka-mahiwaga sa mundo ng mga tao
Ang pag-ibig