Ron Henley
Lamanloob
[Refrain: Loonie, Ron Henley]
Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko
Malamang ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang
Ngunit 'pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko
Mukhang ako'y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang
Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang
Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

[Verse 1: Ron Henley]
Sunod-sunuran naman ako sa'yo, lagi na lang ba tayong ganito
Sabi nang iba, 'wag ko na nga lang daw isipin
Dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin
Kinanta mo sa akin ang lahat ng lihim
Kapalit ng sarili kong handang magpaalipin
Para lang mga pangarap kong matagal
Nang nakabitin gawing katotohanan pagkagising
Sa gutom at gigil, hakbang ako'y pasugod
Walang alam sa kung anong pwedeng mangyari kasunod
Biglang dating ng eksena, ngayon ko lang napanuod
Ang masamang aso'y muli na namang nagpakabusog
Nangangahulugang, walang may kayang mag-isa
Kaya pala 'pag nadadapa madalas ang tanong nila kung may nahuli ka
Mga aral ata'y napupulot lamang kapag nasa sahig ka na
[Chorus: Loonie & Ron Henley]
May mga bagay sa mundo iba't ibang hilig at gusto
Tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
Madumi nga lang ba ang utak?
O baka tama ang kutob? Kanino nga ba 'ko susunod?
Tingin paloob

[Verse 2: Loonie]
Sunod-sunuran na naman ako sa'yo
Lagi na lang ba tayong ganito? Sabi ng utak ko sa'kin
'Wag ko na lang damdamin
Isipin nang mabuti ang bawat hakbang na gagawin
Kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo
Punuin mo ng kaalaaman 'yang ulo mo, katoto
'Di na pwede 'yung tulad ng dating puro na lang oo
Uulitin lang kung ano itinuro parang loro sa bokabularyo ko
Hindi na uso ang bumoto sa gobyernong walang aasahang tulong at saklolo
Ba't 'di ka mag-isip mag-isa, matuto kang magsolo
'Di pwedeng puro palakpak, dapat una muna pondo
Ubod ng metikuloso na ang utak ko
Ayoko na kasing ako'y maisahan, madugas o maloko
Natuto nako sa'tin, nung binuhos ko nang todo ang lakas
At ang tiwala ko sa puso ko na bobo

[Chorus: Loonie & Ron Henley]
May mga bagay sa mundo iba't ibang hilig at gusto
Tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
Madumi nga lang ba ang utak?
O baka tama ang kutob? Kanino nga ba 'ko susunod?
Tingin paloob
[Post-Chorus: Loonie & Ron Henley]
'Wag matakot sa nararamdaman
Sundan mo, sundan mo, sundan mo, sundan mo, ooh-oh
Ang kasaguta'y nasa isip mo lang
Buksan mo, bukasan mo, buksan mo, bukasan mo, ooh-oh

[Verse 3: Ron Henley, Loonie, Ron Henley & Loonie]
Wala nang natira ni katiting na porsyento ng lakas
Para makapag-isip ng diretso, kailangan kong prumoseso
Kung may magtuturo lang ng tulay
Na mag-uugnay sa'kin patungo sa templo
Nag-uumapaw sa utak mga ideya at konsepto
Retoke paulit-ulit, imposibleng makuntento
Perpekto na ang plano bawat detalye ay kumpleto
Pero wala 'kong lakas ng loob gawing konkreto
Sinusod ko nga ang puso at ang utak sinuway
Binusog ko ang damdamin ngunit bulsa'y umaray
Kung legal ang pumaslang, marami na 'kong napatay
Wala na ngang puso, sunog pa ang baga pati atay
Napakapit kay inay, ang pasmado kong kamay
Mga payo ni itay, tangi kong gabay
Sa puso mo ipasok at sa isip ilagay
Kung ika'y nalilito, gamitin mo nang sabay, kasi

[Chorus: Loonie & Ron Henley]
May mga bagay sa mundo iba't ibang hilig at gusto
Tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
Madumi nga lang ba ang utak?
O baka tama ang kutob? Kanino nga ba 'ko susunod?
Tingin paloob
[Post-Chorus: Loonie & Ron Henley with Kat Agarrado]
'Wag matakot sa nararamdaman
Sundan mo, sundan mo, sundan mo, sundan mo, ooh-oh
Ang kasaguta'y nasa isip mo lang
Buksan mo, bukasan mo, buksan mo, bukasan mo, ooh-oh

[Refrain: Ron Henley, Loonie, Ron Henley & Loonie]