Ron Henley
Sinungaling
[Verse 1: Loonie]
Sinungaling ka, sinungaling ako
Sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo?
Sinungaling na simbahan, sinungaling na gobyerno
Sinungaling 'pag sinabing 'di 'to galing sa kwaderno
Sinungaling na radyo, sinungaling na dyaryo
Baradong inidoro, sinong galing sa banyo?
Mahirap malaman kung sino sa atin ang tapat
Sapagkat para sa'kin sinungaling ang lahat
Sinungaling 'yung nagpresyo sa resto ng tapsi
Sinungaling 'yung tsuper pati 'yung metro ng taxi
Sinungaling ang kasintahan, anak ng tinapa
Sabi niya ikaw lamang at wala nang iba pa
Kasama niya 'yung sinungaling mong tunay na kaibigan
Na dadamay sa'yo hanggang sa hukay mo sa libingan
Pa'no mong malalaman, ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at 'yun ang katotohanan

[Chorus: Loonie]
Kahit na sarili ko 'di ko mapagkatiwalaan
'Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat? Sino ang 'di totoo, sino, sino, sinungaling ako?
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan, makinig ka muna
Upang mapaliwanagan kung walang tapat sa'yo
Ikaw ay aking tatapatin, sino, sino, sinungaling ka rin
[Verse 2: Ron Henley]
Meron akong kwento, isa daw siyang henyo
Kaya pala kasi mahilig siyang mag-imbento
Bawat may makilala, may pangit na komento
Pero 'pag kaharap parang galing sa kumbento
Makamandag kasi dila ay may sa ahas
Dahilan para kagatin ni Eba ang mansanas
Ngunit ako'y matalas, wala na siyang takas
Alam na namin na 'di siya lumalaban ng patas
Mag ingat ka na rin, may balak siyang maitim
Alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin
Iba't iba ang hugis at kulay sa pagsisinungaling siya nabubuhay
Pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko
Dapat ka lang sa dilim kasi ang itim ng budhi mo
Lumayo ka sa'kin, 'wag mo 'kong kausapin
Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling

[Chorus: Loonie]
Kahit na sarili ko 'di ko mapagkatiwalaan
'Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat? Sino ang 'di totoo, sino, sino, sinungaling ako?
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan, makinig ka muna
Upang mapaliwanagan kung walang tapat sa'yo
Ikaw ay aking tatapatin, sino, sino, sinungaling ka rin

[Verse 3: Loonie]
Isipin mo na nasa gubat ka, ika'y giniginaw
'Di mo alam ang daan palabas, ika'y naliligaw
May dalawang daanan, kaliwa at kanan
Mayro'ng dalawang nakabahag na nakaharang
'Yung isang daan papunta sa kabihasnan
'Yung isa naman papuntang kapahamakan
'Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
'Yung isa nama'y tapat pero isipin mo pa rin
'Di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
Magkamukhang-magkamukha, parehas pang nakahubad
Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
Para makalabas sa gubat at makapagpahinga
Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan
Kung gusto mong matuklasan, nasa papel ng CD 'yan
Pa'no mo malalaman na ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at 'yon ang katotohanan