Ron Henley
ARÁL
[Intro: Rayburn]
A man can be an artist… in anything, food, whatever
It depends on how good he is at it

[Verse 1: Apekz]
May isang manunula galing sa dilaw, puti, asul, pula, makamandag kapag dumudura
Punong-puno na 'yung mga pumupuna
'Wag puro kuda 'pag nakatutok tyak matututo ka
Kahit tumugma, kahit natutulog pa bawat rima siksik sa pulbura
Kada may ibabagsak parang bomba
Naglalaman ng nuklear 'yung nukleo at mga kromosoma
Parang oso na nakalunok ng coca, aral na parang merong toga
Alam ko kung kapos o sobra o kung sa'n babagsak 'yung bola
Markang iniiwana'y may bilang kaya 'di lang puro salita
Meron pang aral na 'di mo mapupulot sa iba
Unipormeng pinaglumaan, upuan na sinulatan, pag-aralan para 'di bulag sa'king kinamulatan
Para malaman mo na 'yung mga labi mo'y bagay sa talampakan ko
Puno ng kumpyansa kaya ang mukha ko lalong kumapal
'Di lang kinabisado, talagang aral kaya tumagal

[Verse 2: Ron Henley]
Baon ko'y mga letra pang-eskrima, gamit ang de kahoy na pluma ng sinaunang eskriba
Inukit ang kanang kamay ni Shiva, taga-paghatid ng mga pang-Messiahs na propesiya
Isa-isang inupuan mga gawaing bahay, ramdam ko na hanggang sa batok ko, nakakangalay
Wala mang agarang gantimpala, makikibagay, sampung-libong oras ang sinadyang pagsasanay
'Di lang 'to basta mairaos, hakbang kailangang isaayos
'Eto na 'yung napiling sapatos, mula edad disi-sais anyos
Langoy hangga't 'di humahangos, sa pagsagwan, hindi natatapos
Baka sakaling makagawa ng dalawang alon sa iisang aagos
Garantisadong may basbas ng Maykapal, sinamahan ko ng kilos ang gramo-gramong dasal
Pataas lang ang buga parang bunganga ng Taal
'Di lang basta praktisado, talagang aral
[Verse 3: Abra]
Kilalang hibang, klase ang super ego, Sigmund Siko-analitiko
Pwersa ko mala-Enki Supersibo, Annunnaki'ng sayantipiko
Tungkulin kusilbahin ang sining, gamit ang retorika't diyalektiko
Kahit sarili ko lang ang kausap ko, anumang lalim ay sisid ko
Palabirong ito, napaka-pilyo, dating lagi lang happy-go-lucky 'to
Hangga't sa nanay ko matigok, buhay nahinto
Naging rocky road mapait na matamis na 'di mo maintindihan ba't nangyayari 'to
Anumang mangyari, mangyayari 'to, kaya sulitin ang oras habang narito
Saksi ko si Asherah, Inang Kalikasan ang power up, kasikatan ang handicap
Katibayan ang magic lamp, ba't pinanganak? Matik rap
Natural pati acting chops, choppy flow niyo tunog Charlie Chaps
Habang Godly flow 'to kumbaga great flood
Mula pa sa Tusita, bumisita saglit bilang turista
Ilang ulit na naulila sa mundong puro oportonista
Masukista na Budista, gabayan ulit pati mga manunuglisa
Marunong gumitna talagang aral, may pagka Da Vinci pa kung puminta, brah

[Verse 4: Loonie]
Minani ko ang Mensa exam, mala-Nikola Tesla
'Pag inunat ang utak kayang palibutan ang EDSA
Mga obra maestrang parang ipinasok sa selda
Habang reclusion perpetua na ang hinarap kong sintensya
'Sing haba nang dinaanan ko, hinanda kong pasensya
Michelangelo Buonarroti nung tinatapos ang Pietà
Bawat piraso ng lеtra, mala-Picasso, ang pyesa
'Pag ganyan kataas ang halaga, malamang 'di ga'nong mabenta
Pero 'di ko habol ang pеra, preperado sa gyera
Kabisado ang laro parang beteranong atleta
Kilalang tiga-bago ng meta, delikado ka, repa
Magpasalamat ka, nakulong ako at nakapagpahinga nung pandemya
Biglang nag-iba 'yung eksena, daming mga batang umentra
Tanda ko na yata, punyeta, dinaan ko na sa eksperyensiya
Napakatagal naming sinaliksik ang sistema, uh
Talagang aral kahit ibahin pa ang eskwela
[Outro: Rayburn]
Creasy's art is death, and he is about to paint his masterpiece