Iñigo Pascual
Dahil sa ’Yo
[Verse 1]
Araw-araw, ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka
Sa tabi ko, oh, aking giliw
'Di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na

[Pre-Chorus]
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka, ako'y liligaya

[Chorus]
Dahil sa'yo, ako'y matapang
Dahil sa'yo, ako'y lalaban
Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo, merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta
Basta't nandito ka ako'y liligaya (Woo)

[Verse 2]
Minu-minuto, naghihintay ng tawag mo
Marinig lang boses mo
Masaya't kuntento na ako
Wala nang iba pang hahanapin
Basta't ikaw ang aking kapiling
Lahat magagawa dahil kasama ka
[Pre-Chorus]
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka, ako'y liligaya

[Chorus]
Dahil sa'yo, ako'y matapang
Dahil sa'yo, ako'y lalaban
Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo, merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta
Basta't nandito ka, ako'y liligaya

[Bridge]
Ipinagdarasal ko nang sobra
Na sana'y tanggapin mo aking inaalay
Na pasasalamat sa pagliliwanag
Ng buhay kong ito'y na dati-rati'y 'di gan'to na kay ligaya
Oh, tanggapin ang regalo
Oh, mga rosas at choco
Liliwanag din ang buhay mo
'Pag nilabas ko na ang puso ko

[Pre-Chorus]
Ikaw ang tanging inspirasyon
Sa bawat araw na haharapin