Pag-Ibig ay Kanibalismo II

18 ContributorsTranslationsEnglishPag-ibig ay Kanibalismo II Lyrics[Verse 1]
Tayo'y magmo-motor sa mga kalsada ng Siquijor
At magsigawan tayo na parang nasa horror
Tayo’y magkatay ng tao, sabay isalang at i-adobo
'Wag ka lang magsabi ng totoo

[Chorus]
Ibabalik kita nang buong-buo
Pangako 'yun sa’yo
Sa'yo lang ang puso ko
Kahit kainin mo

[Verse 2]
Magdodroga tayo
Kimi lang, bawal 'yon (Kimi lang, bawal 'yon)
'Di ako masamang tao, pumapatay lang ako
Ng kalungkutan ko, pati ng sa'yo

[Chorus]
Ibabalik kita nang buong-buo
Pangako 'yun sa'yo
Sa’yo lang ang puso ko
Kahit kainin mo, oh-oh
At hahalik ka nang may lipstick na dugo
Sa labi kong punong-puno ng panlasa ko sa’yo

[Bridge]
Kanibalismo, 'di ka matiis
Kapag inalis mo, ika’y mami-miss
'Di nagmamalinis, oh, ika'y mami-miss
'Di ka matitiis, tatlo na sais

[Outro]
Pag-ibig mong kay tamis