Mahal Magmahal

Kayang-kaya kitang pangitiin
Ipapangako sa iyo ang bituin
Bitawan ang katagang "'Di kita iiwan"
Panghawakang sasamahan kailanman

Ngunit saka na lang pakakawalan
Kung may sigurado na sa kawalan
Mahal ngayon ang magmahal
Mahal kita, pero, mahal

Mahal na ang bigas pati lata ng sardinas
Kung mamahalin kita ngayon (kita ngayon)
Sabay tayong magugutom
'Di sapat ang sahod ko kahit tapat ako sa 'yo
Ano'ng silbi nitong pagmamahal (pagmamahal)
Kung lahat din ay nagmamahal?
Ayoko lang namang makita ka
Kinikilig habang sa hirap ay nagdurusa

Kung nalulungkot ay pupuntahan ka
Dala ang cravings mo na fries at matcha
Sasamahan kang mag-macchiato
Tapos itatanong kung bet mo ba ako

Ngunit saka na lang kita bibilhan
Kung may sigurado na sa dahilan
Mahal kita, mahal nga lang
Mahal kita, mahal din ang-

Mahal na ang bigas pati lata ng sardinas
Kung mamahalin kita ngayon (kita ngayon)
Sabay tayong magugutom
'Di sapat ang sahod ko kahit tapat ako sa 'yo
Ano'ng silbi nitong pagmamahal (pagmamahal)
Kung lahat din ay nagmamahal?
Ayoko lang namang makita ka
Kinikilig habang sa hirap ay-

Ooh